Thursday, August 4, 2011

6k and counting


Hindi ko ito inaasahan. Pero salamat sa mga bumisita sa blog na ito na ngayon ay umaabot na ng 6,000.

Nagdadalawang isip talaga ako na gumawa ng blog dahil ang hirap mag-maintain nito.

Ang unang ikinakaba ko ay ano ang isusulat ko.

Ikalawa ay may magbabasa ba nito.

Ang ikatlo ay pagkakaperahan ko ba ito, he he he.

Yong una ay medyo nareremedyohan ko naman. Kahit ano ay isinusulat ko. Hindi lang yata kasama rito ay ang pangungulangot ko.

At sa ikalawa ay napatunayan ko namang may nagbabasa naman pala ng mga bagay na walang kalatuy-latoy.  He he he...

Ang hindi ko pa nagagawa ay iyong ikatlo. 'Yon yata ang pinakamahirap.

Salamat Kid_Kilatis at napilit mo akong magsulat. 


2 comments:

Anonymous said...

naisip ko din nun kung pagkakaperahan ko ba ang pagba-blog mo. hehehe.

monleg said...

@ bengorilya, successful ba naman?pr