Wednesday, August 3, 2011

Nabahag ang buntot


Mabuti na lang at hindi ko ibinoto itong si Migz Zubiri noong 2007.

Dahil malamang masasayang lang ang boto ko sa kanya. Isipin mong nag-resign dahil aniya'y nasasaktan ang kanyang pamilya sa mga chizmiz na damay siya.

Mga chizmiz ito na aniya'y idinadawit siya sa dayaan noong 2007.

Bwahahahahaha, sabi ko na nga a eh, walang bayag itong si Migz. Sa tingin ko nga mas maganda pa siya sa misis niyang hindi maitatawang pang-beauty queen ang beauty.



Wala naman sa pamilya ang dapat loyalty ni Migz. Ito ay dapat nasa mga bumoto sa kanya at siyempre sa taumbayan.

Sabi pa ni Migz ay upang mapangalagaan ang "honor" at "integrity" ng kanyang pangalan kaya siya nagbitiw.

He he he...kung talagang alam niyang nakinabang siya sa mga dayaan noong 2007, sana matagal na siyang nagbitiw.

Hindi ba't pangtelenobelang nagsampa rin siya ng kaso sa Senate electoral tribunal upang masigurong siya ang ika-12 senador na mauup noon.

Sabi naman ni JediPinoy sa kanyang twit, nagresign si Migz dahil malamang madamay pa ibang tao sa kanyang kabalastugan. Kasama dito siyempre si Gloria.

At tanong naman ng isa twitter, paano mag-reresign ang isang tao sa isang posisyon na hindi naman niya dapat inokupa?

Tama rin naman di ba?

Pero sa aking pananaw, nabahag ang buntot ni Migz na hindi lamang masangkot sa mga dayaan kungdi lumitaw na may basbas siya sa mga nangyari pandaraya.

O di kaya'y natatakot siya na mabatid ng electoral tribunal na talagang talo siya at paalisin sa puwesto.

Ano sa tingin mo Kid_Kilatis?



No comments: