Sunday, September 9, 2012

1081

Ngayong Setyembre, may lotto tip ako sa inyo. Tayaan ninyo ang mga numerong 10, 8 at 1. Puwede itong tayaan sa EZ2 o kaya ay sa Swertres.

Malay ninyo, sa mga numerong ito ay inyong matikman ang swerteng matagal nang inaasam-asam at kahit paano ay mabawasan ang malas na hatid ng Proclamation 1081 ni Ferdinand Marcos, ang human right violator at dating pangulo ng bansa.

Sa Setyembre 21 kasi ay gugunitain ang mapait na deklarasyon ng Batas Militar. Ito ang ika-40 taon mula nang isailalim ni "Manong" ang Martial Law, na nagpasimula ng kanyang mahigit na 20 taong pananatili sa Malakanyang.

Tumpak ang sinabi ng mga historians, hindi lahat ay nagtatagal. Sino nga ba ang makapagsasabi na babagsak ang conjugal dictatorship ni FM at FL, nawalang iba kung si First Lady Imelda Marcos.

Bago kasi bumagsak ang diktadura ni Marcos ay halos kitang-kita at damang-dama na hawak nilang lahat ang kapangyarihan sa bansa. Natatandaan ko pa ang caption sa Daily Express na nagsasabing ang mga sundalo ay sumasaludo kay FM upang ipakita ang kanilang loyalty hindi sa constitution kungdi sa diktador.

Wednesday, August 1, 2012

'Wag kalimutan, 'wag patawarin


May mga nagsasabing maikli raw ng memorya ng mga Pilipino.

Tama naman. Sino pa ba ang nakakaalala na ginahasa ng mga Hapon ang Pilipinas noong Ikalawang Pangmundong Digmaan. At pagkatapos nila itong gawain, ipinadala natin ang ating mga kababayang sa Japan upang doon naman gahasain. Kaya na nauso ang mga salitang Japayuki at Hosto.

Monday, July 30, 2012

Isip mo berde

Pamilyar tayo sa salitang berde. Ito ay nagmula sa wikang Espanyol na Verde o Green sa English.

Maraming bagay ang associated sa salitang ito. Kapag sinabi nating kumakain tayo ng mga berdeng pagkain, ang ibig sabihin nito ay mahilig tayo sa gulay. May mga pagkakataon namang ang berde ay kaugnay ng ating kapaligiran o ng isang asosasyong nangangalaga sa kapaligiran tulad ng Greenpeace.

Minsan ang Berde ay kaugnay rin sa ating pag-iisip tulad ng kapag sinabihan kang   Green Minded ang ibig sabihin nito ay may kapilyuhan kang mag-isip.

Ang Green din ay associated sa Climate Change o sa mga pagkilos na may kaugnayan kung paano mapapangalagaan ang ating kapaligiran.

Pero alam ba ninyo na may isang Green na ang tinutukoy ay "commodification" o pagbebenta ng mga mahahalagang bagay na may kaugnayan sa kalikasan. Ang tawag dito ay "Green Economy".

Sunday, July 29, 2012

London Olympic fever

Maaaring ilan sa atin ang nagpuyat upang mapanood ang Opening ng 2012 London OLympic Games.

O di kaya'y sinusundan ang ilang piling atleta na kalahok sa iba't ibang sports events.

Ako naman iba. Naghanap ako ng mga video clips na magpapakita sa "spirit" of Olympics.

Narito sa ibaba ang ilan sa napili kong mga kakaibang videos.

London 2012 Olympic Opening Ceremony Timelapse Montage from Duncan McLean on Vimeo.