Na-three stars ko ng lahat ang Angry Birds stages sa Chrome version. Masayang laruin. Naalala ko pa noong kabataan ko sa Malolos City ay tirador ang laruan namin. Ang kaibahan lang ay ibon ang tinitirador namin.
Katulad ng milyon-milyong "adik" sa computer at online game na ito, malaking oras ang ginugol ko upang ma-three star ko ang chrome version. Mahirap wasakin at pabagsakin ang mga kinalalagyan ng mga baboy na nais gantihan ng mga ibon dahil sa pagnanakaw ng kanilang mga itlog. Pero sa tiyaga ay nagawa ko rin.
Pero alam ba ninyo na bago nauso ang Angry Birds ay naunang naging "box office" hit ang The Birds, ang pelikulang dinerehe ni Alfred Hitchcock at pinagbidahan ni Tippi Hedren, ang ina ni Melanie Griffith, na naging asawa nina Don Johnson at Antonio Banderas.



