Showing posts with label Balinguyngoy. Show all posts
Showing posts with label Balinguyngoy. Show all posts

Sunday, May 8, 2011

Sulat kay PNoy


Marami tayong tanong makaraan ang isang taon  mula nang inihalal ng mamamayan si PNoy. Upang mabigyang linaw ang ilan sa mga tanong natin, nais kong ibahagi ang bukas na liham ni Akbayan Party Rep. Walden Bello kay PNoy upang mabigyan linaw ang ilan sa ating mga katanungan. Sumasalamin ang liham sa ating mga ninanais na pagbabago sa ating lipunan at ang pangangailangan ng repormang pang-ekonomiya maliban sa mithiin nating repormang pampulitika.


Friday, May 6, 2011

PNoy



Ipagdiriwang ngayong Mayo 10 ang ika-isang taon ng pagkahalal kay Noynoy bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas. Sinundan ni PNoy ang yapak ng kanyang ina na si Cory Aquino, ang icon ng EDSA, nang mahalal. Sila ang kauna-unahang Mother-Son tandem na kapwa naging Pangulo ng bansa.

Tinalo ni PNoy para sa puwesto ang bilyonaryong si Sen. Manny Villar,  na "naligo sa dagat ng basura at nagpasko sa gitna ng kalsada," bago naging bilyonaryo gayundin si Sen. Dick Gordon na ipinuwesto ang sarili bilang Transformer ng Bayan.

Sunday, May 1, 2011

May Day



Ang katagang Workers of the World, unite! ay isinulat nina Karl Marx at Friedrich Engels sa wikang German at mababasa sa The Communist Manifesto (1848) ang literal na salin nito sa wikang English ay Proletarians of all countries, unite!

Sa Pilipino, ito ay maaaring isalin sa Manggagawa ng mundo, magkaisa! Ang isa pang translation ay Obrero ng mundo, magkaisa!


Tuesday, April 12, 2011

Manila Times "Unwitting" Reunion


Nitong nakaraang Biyernes, Abril 8, ay nagkitakita muli sa isang reunion ang bumubuo ng The Manila Times na pinangasiwaan ng pamilyang Gokongwei.

Dumating sa reunion na ginanap sa Gilligans restaurant ang magkapatid na Gokongwei na sina Robina at Lisa,  ang mga nagtaguyod sa pahayagan matapos magdesisyon ang pamilyang Roces na ibenta ang isa sa mga itinuturing na haligi ng pamamahayag sa bansa.

Thursday, April 7, 2011

Kapaligiran


Tradisyunal na ipinagdiriwang ang Buwan ng Kapaligiran (Environment Month) sa buwan ng Abril. Sa buwang ito kapansin-pansin na binibigyan diin ang pagpapahalaga sa ating kapaligiran.

At kapag kapaligiran ang pinag-uusapan ang laging sumasagi sa isip ko ay ang ASIN, isang banda noong dekada 70. Isa sa pinasikat na awitin ng ASIN, binubuo nina Lolita "Nene" Carbon,Pendong Aban, Jr. (na kilala rin bilang kasapi ng "Ang Grupong Pendong"), yumaong si Cesar "Saro" Bañares at Mike "Nonoy" Pillora, ang awiting "Masdan Mo Ang Kapaligiran"

Bagama't noong Dekada 70 pa nabuo ang awitin, kapansin-pansin na napapanahon ang awiting ito. Malapropetang inawit ng ASIN kung paano natin sinisira ang ating kapaligiran at maging ang posible nating maipamana sa ating mga anak o apo ay nasisira na rin.

Thursday, March 31, 2011

Karapatan sa buhay

Photo by Nando Jamolin

Nagsimula tayong mamatay sa sandaling tayo ay nabuhay.

Kaya nga buhay na buhay ang negosyo ng St. Peter, na para sa mga patay. Ika nga'y naghahanda lamang sa hindi maiiwasang pagtatapos ng buhay.

Naisip ko tuloy ang sinapit ng tatlong Pinoy - sina Sally Ordinario-Villanueva at Ramon Credo na pinatay sa pamamagitan ng lethal injections sa Xiamen at si Elizabeth Batain na pinatay sa hindi pa masabing pamamaraan sa Shenzhen - sa China.

Monday, March 28, 2011

Ping


Sa  buong buhay ko ay tatlong Ping ang nakilala ko. Pinakamalapit sa akin ang pusang si Ping, ang alaga ng soul mate ko. Ikalawa ay ang Ping Ping, ang letsonan at restoran na matatagpuan sa La Loma, Quezon City. Siyempre ang ikatlo ay si Ping Lacson the Senator.

Si Ping the Cat (na may sariling blog na matatagpuan sa http://prettyping.tumblr.com/) ay isang pusakal o pusang kalye. Pero hindi siya 'yong tipong nangangalkal sa mga basurahan, kungdi ang paborito niya ay tuna-based cat food. Hindi rin siya tambay sa kalye, napakalimit niyang lumabas ng bahay. Katunayan palagi siyang tulog at gumigising lamang upang kumain, dumumi o maglaro.

Wednesday, March 23, 2011

Super Hero


 
Ano ang isang bayani? Ayon sa mga pag-aaral ang simpleng meaning ng salitang "hero" ay protector o sa Pilipino ay tagapagtanggol.

Kaya nga ang mga paborito nating super heroes ay madalas ipinagtatanggol ang sangkatauhan. Si Batman ang ipinagtatanggol niya ay ang Gotham City, si Superman ang ipinagtatanggol niya ay ang Estados Unidos. Dahil popular ang mga super heroes dumami ang bilang ng mga ito at naging Justice League kasama sina Wonder Woman, Green Lantern at Aquaman. At kung may hero may anti-hero o kontrabida.

Sumikat din ang mga heroes mula sa Japan na sina Voltes V, Mazinger Z, at Aprodite. Sa mga bagong henerasyon siyempre ay sina Naruto, Sasuke Uchiha, at Sakura Haruno.

Saturday, March 19, 2011

Blue Gold



"Darating ang araw, maging hangin ay bibilhin natin," ito ang minsa'y nasambit ng aking yumaong lolo. Nasabi niya ito dahil sa tumataas na halaga sa pagbayad ng kuryente at tubig.

Kahit paano'y tama si lolo. Lahat kasi ng bagay ngayon ay natutumbasan ng halaga. Hindi ba't kaya tumaas ang lupa sa Antipolo at San Mateo sa lalawigan ng Rizal ay dahil lumilipat ang mga tao dun upang makalanghap ng sariwang hangin? Hindi man nila binili ang hangin, binili nila ang mga lupa kung saan may sariwang hangin.

Dito kasi sa Metro Manila iba-iba ang masisinghot mo. May usok mula sa mga sasakyan, may usok mula sa yosi, may usok mula nagsusunog sa kalye. Minsan nga may nakita ako ng nagsusunog ng basura diyan sa  EDSA sa may Quezon Avenue.

Thursday, March 17, 2011

Yin Yang


Sa mga Intsik ang character para sa oportunidad at sakuna ( (simplified Chinese: 阴阳; traditional Chinese: 陰陽; pinyin) ay halos magkamukha. Dahil para sa mga Chinese may oportunidad sa sakuna at minsan nama'y ang oportunidad ay nagiging sakuna.

Ang tawag sa konseptong ito ay Yin Yang. Pumasok ito sa isip ko dahil sa lindol at tsunami na naganap nitong nakaraang linggo sa Japan. Isang delubyo ang sinapit ng bansa at tinatayang aabot ng bilyon-bilyong dolyar ang inaashang pinsala sa ekonomiya ng Japan.

Friday, March 11, 2011

Tsunami

Hindi nakakapagtaka na sa Hapon nahango ang salitang TSUNAMI, na ayon sa wikipedia ay nangangahulugan na "mga sunod-sunod na alon na nabuo kapag ang isang bahagi ng tubig, tulad ng karagatan, ay mabilis nabago ng malakihan. Ang mga lindol, malaking pagkilos ng tubig, sa ibabaw man o sa ilalim, pagputok ng bulkan at iba pang uri ng pagsabog sa ilalim ng dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng kometa at pagsusubok ng mga kagamitang nukleyar sa karagatan ay maaaring makabuo ng tsunami. Ang epekto ng tsunami ay mapapansin at napakalala."




Ayon naman sa National Geographic sa mga malalakas na tsunami umaabot sa 100 talampakan o mga 10 palapag na gusali ang taas. Karaniwang nagsisimula ang malalaking tsunami kung lumindol sa ilalim ng karagatan o kaya'y may sumabog na bulkan na nasa ilalim ng karagatan.