Thursday, January 24, 2013

"Zombie" ba ni GMA ang mga Enrile?


Naging matindi ang bangayan ni Sen. Peter Cayetano at ni Senate president Juan Ponce Enrile na nag-ugat sa "Christmas" gift na ipinamudmod ng huli sa kanyang mga kasamahan sa Senado.

Hindi lamang naungkat ang hidwaan sa pagitan ng dalawa kungdi maging sa ginagampanang papel ng chief of staff ni Enrile na si Jessica "Gigi" Reyes, na ayon sa mga balita ay ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Manong Johnny at ang kanyang asawa.

Pero hindi na bago ang balitang ito, matagal na itong pinagpiyestahan.

Ang bagong balita sa tingin ko ay hindi ang diumanoy ang pagiging matapobre nitong si Sen. Juan Ponce Enrile, kungdi ang paratang ni Peter na si Enrile ay isang masugid na tagasunod ni Gloria Macapagal-Arroyo, ang dating pangulong nakakulong ngayon dahil sa iba't ibang kadahilanan.

Ang sabi ni Peter ay "Why are you personally upset with me? It's because you and Attorney Gigi are close to the former President GMA (Gloria Macapagal-Arroyo and the First Gentleman."

Kung ito ang totoong dahilan ng away, aba'y nakakatakot.

Tandaan nating ang anak ni Enrile na si Jack ay tumatakbo rin bilang senador sa paparating na halalan.

Si Jack ba ay isa ring "zombie" ni GMA? May impluwensiya rin ba sa kanya si GMA?

Kung ito ang sagot, aba'y isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi natin dapat iboto si Jack Enrile.

Kayo ang humusga. Dapat ba siyang iboto kung siya ay magiging tagapangtanggol ni GMA?

No comments: