Tuesday, November 22, 2011

Mugshots ni GMA

Ang mga mugshot na ito ay mula sa mugshots.com

Makikita ang mga mugshots ni GMA sa itaas. Ito ay mula sa mugshots.com, isang website na ang niche ay mag-post ng mga mugshots ng mga kilalang tao sa buong mundo.

Hindi ko alam kung paano nakuha ng website ang mga larawang ito. Pero alam naman ng karamihan na ang mga larawan ay nabibili upang mailagay sa mga tulad nitong websites.


Ang napansin ko sa larawang ito ay kaysa name plate na isinulat sa isang papel ay digital na ang pagkakalagay ng pangalan at numero ng kaso ng nasasakdal.

Iba kasi ang kay dating pangulong Joseph Estrada.

Hindi ito digital at may nagsulat lamang ng kanyang pangalan at numero ng kaso at hinawakan habang siya ay kinukuhanan ng litrato.


Ang hinihintay ko ngayon ay mugshot naman ni Atty. Mike Arroyo at ng kanilang anak na si Mikey, gayundin ng kanilang amaing si Iggy, na kasalukuyang nasa Britanya dahil umano'y nagpapagamot.

Makasaysayan kasing dalawang pangulo ang nakasuhin at may susunod sa yapak ni Erap na mabibilanggo.

Pero mas magiging makasaysayan kung si GMA, ang kanyang asawang si Mike, na sangkot din sa iba't ibang korapsyon noong pangulo pa si Gloria, ang kanilang anak na si Mikey na may kasong tax evasion at ang kanyang amain at kapatid ni Mike na si Iggy, na sangkot din sa iba't ibang korapsyon, ang makukulong.

Matatandaan a si Mike ang itinurong "utak" o "ninong" ng anomalya sa NBN-ZTE deal. Isinasangkot din siya sa dayaan sa 2007 elections.

Inamin naman ni Iggy na siya si Jose Pidal, na itinuturong may pag-aari ng limpak limpak na salaping nakurakot umano. Pero bago maidikit ang mga kayamanan ay inamin ni Iggy na siya si Jose Pidal. Ipinakita pa nga niya kung paano niya isinusulat ang pirma bilang si Jose Pidal.

May kasabihang "The family that prays together, stays together." Pero sa tingin ko kabaliktaran ang ipinapanalangin ngayon ng pamilya Arroyo, na posibleng magkasama-sama sa loob bilibid at humihimas ng malamig na rehas.

No comments: