Tuesday, August 30, 2011

Reprint ng Manila Bulletin column ni James Soriano




MANILA, Philippines — English is the language of learning. I’ve known this since before I could go to school. As a toddler, my first study materials were a set of flash cards that my mother used to teach me the English alphabet.

My mother made home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were in English, and so were the cartoons I watched and the music I listened to. She required me to speak English at home. She even hired tutors to help me learn to read and write in English.

In school I learned to think in English. We used English to learn about numbers, equations and variables. With it we learned about observation and inference, the moon and the stars, monsoons and photosynthesis. With it we learned about shapes and colors, about meter and rhythm. I learned about God in English, and I prayed to Him in English.


English


Ngayon ang huling araw ng Agosto, ang buwan kung kailan ipinagdiriwang natin ang wikang Pilipino. Ang hindi ko alam ay kung ipinagdiriwang din ito sa Central Colleges of the Philippines (CCP). Taas noong ipinangangalandakan kasi ng paaralang ito na "CCP is an English speaking school". 

Pero isa lang ang maipagmamalaki ko, hindi ko kailanman  maipagyayabang na sa paaralang ito ako nagtapos. Ang unang dahilan ay hindi ko gamay ang wika ng mga kolonyalistang Amerikano kaya nga ang blog na ito ay nakasulat sa Pilipino.

Pero kapansin-pansin sa larawan sa itaas na ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa ay upang ihanda ang kanilang mga graduates hindi para sa pagpapaunlad ng Pilipinas kungdi ng ibang bansa kung saan makakahanap ng trabaho umano ang mga inhinyero, arkitekto, business administrators, accountants at computer technicians na produkto ng CCP.

Sunday, August 28, 2011

Save More, Puregold, Robinsons o Shopwise?


Bilang isang ama, kasama sa responsibilidad ko ang mag-grocery. 

Sa toto lang enjoy ako sa gawaing ito. Napipili ko kasi hindi lamang ang gusto kong bilihin kungdi maging ang mga pagkain na kinokumsumo sa bahay
Pero kung papipiliin ako ay hindi ako sa Savemore market ng SM mamimili. Una ay ayokong dagdagan ang kayaman ng mga may-ari nito na nagmula sa hirap at pawis ng mga contractual employees. Hindi nga ba't binansagang Contractual King si Henry Sy dahil halos wala yatang rank and file na nagiging regular sa kanyang mga tindahan.

Ito rin ang dahilan kung bakit wala akong SM Loyalty Card. Bakit ako magiging loyal sa isang negosyanteng hindi loyal sa kanyang manggagawa?

Thursday, August 25, 2011

Winner take all


Isa sa mga pinakamahirap tamaan sa karera ng kabayo ay ang winner-take-all. Ang dahilan ay kailangan mong mapili ang lahat ng mananalo sa mga karerang pinaglalabanan sa isang araw. Kung hindi ako nagkakamali ay kailangang mapili ng isang "investor" ang lahat ng mananalo sa siyam na karera.

Dahil dito, kakaunting tao pa lamang ang aking nakikilala na nanalo ng WTA. Isa rito ay si Dodie Gonzales, ang dating tipster ng nagsarang Tumbok at ngayon ay nagbibigay ng tip sa Bandera.

Malaki ang ganansiya kapag nadali mo ang WTA, lalong-lalo na sa pulitika.

Kung sa karera ang WTA ay puwedeng mapanalunan ng higit sa isang tao, sa halalan palaging isa lamang ang nanalo maliban sa mga bumubuo sa municipal at city councils o sa  provincial board.