Saturday, December 1, 2012

Katotohang liko at si Rizal


Aminin nating marami tayong matutunan kay Jose Rizal, naging bayani man siya o hindi. 

Kung babasahin natin ang kanyang libro  at mga liham kung kani-kanino, may matutunan tayo sa kasaysayan, ideyolohiya at maging sa pagpapakabanal.

Sabi nga ni Jose sa kanyang sulat sa mga kababaihan ng Malolos: "Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari."

At ganito nga ang ginawa ni Rizal.

Wednesday, November 21, 2012

Sin Tax, Text Tax

Ang magandang balita. Nakapasa na sa Senado ang Sin Tax bill. Kasunod na nito ang bicameral meeting sa pagitan ng Senado at Kongreso upang mapagsama nag kanilang mga panukalang batas.

Tinatayang halos P40 billion ang kikitain ng panibagong sin tax bill para sa pamahalaan.

Pero sa tantiya ko ay maliit pa rin ang halaga ng tax na ipapataw sa sigarilyo at sa alak.

Dapat ay yong tipong, kapag bumili ng yosi ay masasaktan ang bibili. Ganito rin dapat sa mga alcoholic beverages.

Saturday, November 17, 2012

Liham

Maliban sa  mga all-time hits na  El Filibusterismo at Noli Me Tangere, ano ang paborito mong isinulat ni Jose Rizal?

Ang dalawang nobelang ito ang nagpa-init sa rebolusyong pinamunuan ni Andres Bonifacio bilang Supremo ng Kagalang-galang Kataas-taasan Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).

Bagamat hindi nakasama si Jose sa rebolusyong ipinaglaban ng KKK, naging simbolo naman siya sa laban kontra sa mga mananakop na Kastila. Pinaalab pa ng pagpatay kay Rizal sa Bagumbayan ang rebolusyon.


Sa mga paaralan ay pinag-aaralan ang dalawang nobela ni Rizal. Pero hindi batid ng lahat na may sulat si Jose na nagpaalab din ng himagsikan laban sa Katoliko Romano at Kastila.

Monday, November 12, 2012

May multiple personality disorder ba si Tito Sen?




Magaling na artista, pulpol na senador!

Ganito ang description ng isang kaibigan tungkol kay Sen. Tito Sotto.

Pero kung ako ang tatanungin. Sa tingin ko ay dapat na kaawaan kaysa laitin itong si Tito Sen.

Bakit?

Tila kasi hindi na napaghiwalay ni Tito Sen ang iba't ibang personalidad na kanyang kinatawan.

Nalimutan ni Tito Sen na ang pagiging komedyante ay sa television lang at sa pinilakang tabing.

Hindi dapat isinasama ang pagiging komedyante sa pagiging Senador. May hangganan din naman kasi ang pagiging komiko at alam ito ng mga Pilipino.