Aminin nating marami tayong matutunan kay Jose Rizal, naging bayani man siya o hindi.
Kung babasahin natin ang kanyang libro at mga liham kung kani-kanino, may matutunan tayo sa kasaysayan, ideyolohiya at maging sa pagpapakabanal.
Sabi nga ni Jose sa kanyang sulat sa mga kababaihan ng Malolos: "Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari."
At ganito nga ang ginawa ni Rizal.