Isa sa paborito kong tula ay ang Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio.
Natural na naaalala ko ito pagdating ng Nobyembre dahil kada a-30 ng buwang ito ay ginugunita ang pagsilang ng itinuturing na Ama ng Himagsikang Pilipino.
"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagka-dalisay at pagka-dakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.'

Ito ang unang linya sa tulang ito, na kung hindi ako nagkakamali ay inaawit ng Inang Laya at maging ni Noel Cabangon.
Malungkot ang pagkakaawit ng Inang Laya sa tulang ito ng kinikilala nating Supremo. Kasing lungkot ito kung paano nagwakas ang buhay ni Bonifacio sa kamay ng mga traydor sa rebolusyong pinamunuan ni Emilio Aguinaldo, na kinikilala ng maraming historians bilang isa sa numero unong makapili sa kasaysayan ng rebolusyon at Pilipinas.