Isa sa mga kilalang lansangan sa Pilipinas ay ang Claro M. Recto St. sa Lungsod ng Maynila. Ito ay nagsisimula sa paanan ng Mendiola Bridge at ang hangganan ay Pier kung saan nagwawakas ang Pasig River.Maliban sa Maynila may mga lansangan ding pinangalanang Claro M. Recto Avenue sa Davao at Cagayan de Oro, gayundin sa Lipa City. May Claro M. Recto Highway naman sa Angeles City at may Claro M. Recto St. sa Malaybalay City.
Base sa dami ng mga lansangan ipinangalan sa kanya, masasabing kinikilala si Claro M. Recto.
Sino ba si Claro M. Recto?
Si Recto ay nakilala bilang isa sa mga makamamayang abogado, senador at guro.
Kasama siya sa nagsulong upang maigupo ang Hare-Hawes-Cutting Act, na nagbibigay sa Estados Unidos ng karapatang mapanatili ang mga base nila sa ating bansa na walang "time frame".

