Wednesday, July 18, 2012

Sobrang pagtambay, nakamamatay

Ayon sa isang research na inilathala ng The Lancet, na itinayming sa 2012 Olympcs na gaganapin sa London, lumalaki ang bilang ng mga namamatay sa buong mundo dahil sa sobrang pagtambay.

Base sa pananaliksik, halos katapat na ng paninigarilyo ang sakit na dumadapo sa milyon-milyong tao sa mundo dahil sa sobrang pagtambay.

Ito yong pagtambay na  tipong nakaupo lang, nanonood ng telebisyon o kaya'y sobrang tagal ng pag-upo. Kasama rin siyempre rito ang tagal ng pag-upo dahil nakababad sa harapan ng computer at nagla-like sa mga Facebook status.

Thursday, July 12, 2012

Pinakamagastos na pagkain sa mundo

Habang karamihan ng tao sa mundo ay salat sa pagkain, hindi naman maikakaila na maraming tao, lalo yong mga nasa Kanluran, ay sobra-sobra ang kinakain.

Narito ang isang infographic upang makita ang ilan sa pinakamahal na pagkain sa mundo. Nagmula sa visual.ly ang infographic.


Browse more Food infographics.

Monday, July 9, 2012

Nityalila, nakakahalina

Galing talaga ng internet. Habang nagba-browse ako minsan ay nadiskubre ko itong si Nityalila Saulo, isang Pinay musician.

Hindi ako pamilyar sa kasaysayan ni Nityalila bilang musikero pero na-inlove ako sa kanyang musika at sa kanyang matining na boses.

Makabuluhan din ang mga lyrics ng kanyang musika kaya't hindi ka lamang mapapaindak kungdi mahahalina pa.

Masasabi ring mapagbigay si Nityalila dahil puwedeng i-download ng libre ang kanyang mga awitin sa souncloud.com.

Narito ang isa sa aking mga paboritong awitin ni Nityalila.



Tuesday, June 19, 2012

Kapayapaan


Maniniwala ka bang mas mapayapa pa sa Vietnam kaysa sa Pilipinas? O kaya'y mas mapayapa pa sa Indonesia at Malaysia kaysa sa Pilipinas.

Sa inilabas na ulat ng Vision of Humanity, maging ang mga bansa sa Central America na dati'y binabagyo ng karahasan ay mas mapayapa pa ngayon kaysa sa Pilipinas.

Ayon sa 2012 Global Peace Index ng Vision of Humanity, ang Pilipinas ay nasa ika-133 sa lahat ng bansa sa mundong ito kung kapayapaan ang pag-uusapan.