Wednesday, April 18, 2012

May matutunan si PNoy kay Cristina

Cristina Fernandez de Kirchner
Ayon sa survey bumaba ang satisfaction rating ni Pang. Noynoy Aquino dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis.

Hindi naman talaga tuluyang bumagsak ang satisfaction rating ni PNoy dahil pasado naman siya sa ibang larangan,  pero ang sinasabi ng rating ay tila walang ginagawa si PNoy sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Dahil dito, nais kong bigyan ng unsolicited advise si PNoy na gayahin niya si Cristina Fernandez de Kirchne, ang kasalukuyang babaeng pangulo ng Argentina, na nag-take over sa Repsol, ang Spanish oil company, upang masigurong mababa ang presyo ng langis sa kanilang bansa at ang kikitain sa pagmimina ng langis sa Argentina ay mapapakinabangan ng mga Argentinians.

Monday, April 16, 2012

Mata-Titanic ba ang Earth?


Dahil sa ika-100 taon ng paglubog ng Titanic nitong Abril 12, muling naging paksa sa media ang kinahinatnan nito. At muling tumabo sa takilya ang pelikula ni James Cameron na pinagbidahan nina Leonardo Dicaprio at Kate Winslet, pero sa pagkakataon ito ay mas high tech dahil ipinalabas ito sa 3D.

Sa totoo lang ay hindi ko pa napapanood ang pelikulang tumabo nang husto sa takilya sa buong mundo. Kung ano-anong record sa takilya ang binasag ng pelikula.

Pero ang blog na ito ay hindi ukol sa pelikula kungdi sa sinabi kamakailan ni James Cameron. Kamakailan kasi ay na-interview siya ng National Geographic at sinabing mismong ang ating mundo ay papunta sa isang trahedya na maikukumpar sa Titanic.

Sunday, April 15, 2012

Buuin ang bagong mundo


Nitong nakaraang Linggo ay inilunsad ang baong buong labor center na Sentro ng Progresibong Manggagawa o Sentro.

Medyo nakakatawa nga ang balita tungkol dito laluna ang isinulat ni Estrella Torres sa Business Mirror dahil nabanggit pa rito na nais lindolin ng mga manggagawa ang "Noynoying" ni Pang. Noynoy Aquino.

Nakakatawa dahil tila hindi alam ng writer na ang bansag na "Noynoying" ay pinasikat ng mga "Reaffirm" o ng mga grupong sumasampalataya pa rin kay Joma Sison at ang Kilusang Mayo Uno na kasama sa mga "Reaffirm" ay hindi kasama sa Sentro. Ano kaya ang naramdaman ng mga RAs na tila napag-iwanan na naman sila sa pansitan? Noynoying din ba ang tawag dito?

Friday, April 13, 2012

FDC to PNoy: Epira is the culprit for high power cost





The Freedom from Debt Coalition on Friday publicly released a letter addressed to President Benigno S. Aquino III.

Sa sulat na ito, itinuro ng FDC ang tunay na dahilan kung bakit mataas ang presyo ng kuryente sa bansa at pinanindigan ang pangangailangang gumamit ng "green energy" kaysa sa mga nakakabara ng baga tulad ng uling at diesel.

Hinimok din ng FDC na busisin ni Pinoy ang mga kontrata ng mga kumpanyang nagpapatakbo sa kuryente sa bansa, laluna na ang State Grid of China na nakipagkutsabaan kay Henry Sy upang makapagnegosyo sa Pilipinas.