Sunday, March 25, 2012

Bakasyon

Nakakapagtaka, Mahal na Araw na eh umuulan pa.

Parang masisira ang mga plano natin sa 2012 Summer Vacation.

Pero sa tingin ko OK lang dahil ayoko naman ng sobrang init. 'Yong tipong nakaupo ka lang ay pinagpapawisan ka.

Pero ano ba ang puwede nating gawain ngayong bakasyon?

Friday, March 23, 2012

Santo Manny


Naniniwala ako na kung hindi naging boksingero si Manny Pacquiao, siya ngayon ay isang pari.

Kung hindi man siya pari ay sa hinaharap malamang na maitakda pa siyang Santo ng Simbahang Katoliko.

Naisip ko na puwede siyang maging santo ng mga boksingero, dahil napakadelikado ng sport na ito. Ilang boksingero na ba ang namatay, hindi man sa ibabaw ng ring, ay pagkaraang makipagbasagan ng mukha.


Tuesday, March 20, 2012

Fuel poverty


Sa United Kingdom, Ireland at New Zealand may tinatawag na fuel poverty na ang kahulugan ay ang kahirapan upang mapainit ang tinitirahan tuwing tag-lamig.

Dito sa Pilipinas may fuel poverty din.

Pero kabaliktaran sa mga nabanggit na bansa, maraming Pinoy ang hirap upang mapalamig ang kanilang mga bahay tuwing tag-araw.

Una ay kahit gustuhin man ng mga Pinoy na gumamit ng airconditioning, hindi nila kakayanin dahil napakamahal nito para sa pangkaraniwang Pilipino. Idagdag pa ang gagastusin mo sa kuryente at tiyak mamumulubi ka.

Sunday, March 18, 2012

Feisty Cristy

Cristy Ramos
Maraming nagsasabing si Cristy Ramos ang anak na lalaking hindi naibigay ni Ming Ramos sa kanyang asawang si dating heneral at pangulong ng Pilipinas na si Fidel Ramos.

Nangungunang dahilan nito ay ang pagiging "matapang" ni Cristy at ito ang dahilan kung bakit siya binansagang Feisty Cristy.

Natatandaan ko pa noong panahon na pangulo siya ng Philippine Olympc Committee (POC) ay walang inurungang laban si Cristy, laluna ang mga bumabatikos sa kanya.