Sunday, March 25, 2012
Friday, March 23, 2012
Santo Manny
Naniniwala ako na kung hindi naging boksingero si Manny Pacquiao, siya ngayon ay isang pari.Kung hindi man siya pari ay sa hinaharap malamang na maitakda pa siyang Santo ng Simbahang Katoliko.
Naisip ko na puwede siyang maging santo ng mga boksingero, dahil napakadelikado ng sport na ito. Ilang boksingero na ba ang namatay, hindi man sa ibabaw ng ring, ay pagkaraang makipagbasagan ng mukha.
Tuesday, March 20, 2012
Fuel poverty
Sa United Kingdom, Ireland at New Zealand may tinatawag na fuel poverty na ang kahulugan ay ang kahirapan upang mapainit ang tinitirahan tuwing tag-lamig.Dito sa Pilipinas may fuel poverty din.
Pero kabaliktaran sa mga nabanggit na bansa, maraming Pinoy ang hirap upang mapalamig ang kanilang mga bahay tuwing tag-araw.
Una ay kahit gustuhin man ng mga Pinoy na gumamit ng airconditioning, hindi nila kakayanin dahil napakamahal nito para sa pangkaraniwang Pilipino. Idagdag pa ang gagastusin mo sa kuryente at tiyak mamumulubi ka.
Sunday, March 18, 2012
Feisty Cristy
![]() |
| Cristy Ramos |
Nangungunang dahilan nito ay ang pagiging "matapang" ni Cristy at ito ang dahilan kung bakit siya binansagang Feisty Cristy.
Natatandaan ko pa noong panahon na pangulo siya ng Philippine Olympc Committee (POC) ay walang inurungang laban si Cristy, laluna ang mga bumabatikos sa kanya.
Subscribe to:
Comments (Atom)

