Sampung bilyon o P10,000,000,000.
Base sa ganitong halaga, lumalabas na P2,000,000 kada ektarya ang lupa ng mga Cojuangco, ayon sa Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (Katarungan).
Susmaryahosep!!! Kahit pagbalibaliktarin mo ang Bangko Sentral ay hindi kakayanin ang ganitong halaga.
Ano ba ang akala ng mga Cojuangco, mala-Bonifacio Global City ang dating ng Hacienda Luisita.
Aba, Hindi na ito simpleng negosyo, kaganidan na ito.
Ayon pa sa Katarungan, malaki pa ang halagang hinihinging kapalit ng mga Cojuangco sa total budget ng Department of Agrarian (DAR) para mabili ang 300,000 ektaryang ipapamahagi para sa 2012.

