![]() |
| Texting, one of the things you can do inside the jeepney... |
Anong ginagawa mo kapag bumibiyahe sa jeep? May ilang pasahero, kung hindi kabisado ang ruta ay nakatutok sa dinadaanan ng jeep upang maiwasang malampasan ang bababaan.
May ilan naman na busy sa pagte-text habang sinasamantala ng iba ang pagkakataon upang makaidlip. Karaniwan ay sumasakay sa jeep upang makarating sa paaralan, pinapasukang opisina at sa marami pang kadahilanan.
Jeepney pa rin naman ang pinakamurang pamamaraan ng transportasyon sa ating bansa at hindi maikakaila na ito pa rin ang pinakamadali at pinakamabilis na sakyan pagkaraan ng bus o taxi.



