Monday, September 19, 2011

Monday Photos - Quezon Memorial Circle Pixels

This is my take on the Quezon Memorial Circle and the people who enjoy the place. 
Isa sa mga dahilan kung bakit masasabi kong isa akong proud citizen ng Quezon City ay ang Quezon Memorial Circle. Napabayaan ito noong panahong ang namahala rito ay si Charito Planas. Pero ngayon, masasabing astig ang lugar na ito. May softball, baseball at football field na rito ngayon. Mayroon ding rock climbing at zip line. Ang dami pang makakainan. At siyempre, kung gusto mong tumakbo, ayos dito.

September


"Those who do not remember the past are condemned to repeat it." Ang katagang ito ay isinulat ni George Santayana, isang Spanish-American philosopher, novelist, poet at essayist na nanungkulan bilang isang Harvard professor bago bumalik sa Europe hanggang sa kanyang kamatayan.

Friday, September 16, 2011

Thursday, September 15, 2011

5 dahilan bakit mahirap ang mga Pilipino

Picture shot in Brgy. Sabal, Naga City.


5. Para sa mga Pinoy mas madaling maging mahirap

Mahirap ang Pilipinas dahil para sa mga Pinoy, mas madaling maging mahirap kaysa maging maluwag sa buhay. Isipin mo nga namang kapag mahirap ka, hindi ka masyadong nag-iisip ng kung anu-ano.

Kung mayaman ka, isusuot pa lang problema na. Amerikana ba o polo barong? Lacoste ba o Fred Perry? Dahil kung mayaman ka, ayaw mo namang makita na ang suot-suot mo ay Bench na gawa sa Tsina o kaya'y pirated na Ambercombie and Fitch. Kung mahirap ka, malamang may maisuot ka lang balabal ayos na.

Kapag napili mo na ang isusuot mo, iisipin mo naman kung saan kakain. Agahan ba ay sa Intercontinental Hotel? Pananghalian ba ay sa High Street sa loob ng Global City sa Taguig, sa Makati Polo Club o sa Manila Golf Club o di kaya naman ay pagtitiyagaan mo na lamang na hindi lumayo at magpadeliver na lamang.