Sunday, August 28, 2011

Save More, Puregold, Robinsons o Shopwise?


Bilang isang ama, kasama sa responsibilidad ko ang mag-grocery. 

Sa toto lang enjoy ako sa gawaing ito. Napipili ko kasi hindi lamang ang gusto kong bilihin kungdi maging ang mga pagkain na kinokumsumo sa bahay
Pero kung papipiliin ako ay hindi ako sa Savemore market ng SM mamimili. Una ay ayokong dagdagan ang kayaman ng mga may-ari nito na nagmula sa hirap at pawis ng mga contractual employees. Hindi nga ba't binansagang Contractual King si Henry Sy dahil halos wala yatang rank and file na nagiging regular sa kanyang mga tindahan.

Ito rin ang dahilan kung bakit wala akong SM Loyalty Card. Bakit ako magiging loyal sa isang negosyanteng hindi loyal sa kanyang manggagawa?

Thursday, August 25, 2011

Winner take all


Isa sa mga pinakamahirap tamaan sa karera ng kabayo ay ang winner-take-all. Ang dahilan ay kailangan mong mapili ang lahat ng mananalo sa mga karerang pinaglalabanan sa isang araw. Kung hindi ako nagkakamali ay kailangang mapili ng isang "investor" ang lahat ng mananalo sa siyam na karera.

Dahil dito, kakaunting tao pa lamang ang aking nakikilala na nanalo ng WTA. Isa rito ay si Dodie Gonzales, ang dating tipster ng nagsarang Tumbok at ngayon ay nagbibigay ng tip sa Bandera.

Malaki ang ganansiya kapag nadali mo ang WTA, lalong-lalo na sa pulitika.

Kung sa karera ang WTA ay puwedeng mapanalunan ng higit sa isang tao, sa halalan palaging isa lamang ang nanalo maliban sa mga bumubuo sa municipal at city councils o sa  provincial board.

Friday, August 19, 2011

Makulit na pasaway pa

click image to watch the youtube video
Makulit ang tawag sa mga taong paulit-ulit. Kaya kadalasan kapag may barkada tayong laging nagtatanong ang tawag natin ay "Kulit" at sinisigawan nating "Ang kulit mo naman eh."

Puwede ring tawaging makulit ang mga taong ayaw paawat pero sa positibong pamamaraan. Tipong mga komedyante. At kapag ganito ang sitwasyon ang nababanggit natin ay "Ang saya, ang kulit, nakakatawa." Parang yong comedian sa video. Makulit.

Kung minsan ay mga makukulit ay tinatawag naman nating pasaway. Ang dahilan ay dahil sa paulit-ulit nating pagsaway ay tayo ang nagiging makulit.

Saturday, August 13, 2011

Filipino




Nasa P20 paper bill na ito si Manuel L. Quezon, ang itinuturing na ama ng wikang Pilipino. Astig itong si Manuel L. Quezon dahil noong panahong hawak sa leeg ng mga Amerikano ang Pilipinas ay ipinaglaban niyang magkaroon tayo ng sariling wika. Ang totoo ay sa saligang batas ng Pilipinas noong 1937 naging batas na magkaroon ng wikang Pilipino.

Yes, ate at kuya, si Manuel ang reason why we celebrate Linggo ng Wika tuwing Agosto. 

When I was young, tinatanong ko kung why we have to celebrate Linggo ng Wika. Parang "Why celebrate something so natural?" Bulakenyo kasi ako kaya hindi ko naisip na may iba pang wikang Pilipino.

Eh ang reasons pala to celebrate ay upang sariwain natin kung paano natin dapat i-embrace and use our language.